Patay sa flash flood sa Nepal umakyat na sa 55

AP Photo

Umabot na sa 55 ang bilang ng nasawi sa flash floods at landslides sa Nepal.

Sa datos ng pamahalaan ng Nepal, nasa 10,000 katao ang nawalan ng tirahan dahil sa matinding pagbaha at landslides.

Kinumpirma ng Home Ministry na 55 na ang nasawi, mayroong 30 pa ang nawawala at 33 ang sugatan.

Sa Assam, India, nakaranas din ng matinding pagbaha dahil sa malakas na buhos ng ulan.

Nasa 1.5 million na katao ang inilikas at 10 ang naitalang nasawi.

Read more...