Ayon sa severe weather bulletin ng PAGASA, ang bagyo ay huling namataan sa layong 1,015 km East ng Virac, Catanduanes.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 60 kilometers bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 20 kilometers bawat oras sa direksyong North Northwest.
Ang CALABARZON, MIMAROPA, nalalabi pang bahagi ng Visayas, at sa buong Mindanao ay maaapektuhan ng Southwest Monsoon o Habagat.
Sa Miyerkules, July 17, ang bagyong Falcon at ang Habagat ay inaasahang maghahatid na ng malakas na buhos ng ulan sa Metro Manila at sa malaking bahagi pa ng Luzon at Visayas.
Sa Biyernes pa ng umaga inaasahang lalabas ng bansa ang bagyo.