Lalaki patay matapos saksakin sa Las Piñas

Patay sa pananaksak ang isang lalaki sa Brgy. Talon Uno, Las Piñas City,

Nakilala ang biktima na si Edgardo Reyes, 33 anyos na ayon sa imbestigasyon ng Las Piñas Police ay nadamay lamang sa away ng mga kapitbahay.

Galing sa inuman at nakasuntukan ng magkapatid na sina Armando at Jomar Dumaual ang isang alyas ‘Badong’.

Sinubukang umawat ni Reyes sa away ngunit siya ang napagbuntunan ng magkapatid at pinagsasaksak sa dibdib gamit ang itak.

Dinala pa sa Las Piñas Medical Center ang biktima ngunit hindi na umabot pa ng buhay.

Naaresto si Jomar ngunit inoobserbahan sa Las Piñas District Hospital dahil mayroon din itong mga saksak sa tiyan.

Nakatakas naman at pinaghahanap ng pulisya si Armando.

Posibleng maharap sa kasong murder ang magkapatid.

Read more...