Higit 100 katao nagpositibo sa HIV dahil sa transactional sex

Aabot sa higit 100 indibidwal ang nagpositibo sa human immunodeficiency virus (HIV) nitong Abril dahil sa ‘transactional’ o ‘paid’ sex ayon sa datos na inilabas ng Department of Health (DOH) nitong weekend.

Ayon sa DOH, ang mga taong nasasangkot sa paid sex ay yaong mga nagbabayad o nagpapabayad ng pera kapalit ang sex o kaya ay pareho.

Sa datos ng HIV/AIDS Registry of the Philippines, 114 bagong HIV infections ang naitala noong Abril dahil sa paid sex.

Ninety eight percent o 112 sa naturang bilang ay mga lalaki edad 17 hanggang 62.

Limampu’t dalawa ang kaso ng nagbayad kapalit ng sex, 43 ang kaso ng tumanggap ng bayad para sa sex habang 19 ang nasangkot sa parehong gawain.

Dahil dito, lumobo na sa 529 ang kabuuang bilang ng HIV cases na naitala mula Enero hanggang Abril ngayong taon dahil sa paid sex.

Umabot na sa 6,596 katao ang nagpositibo sa HIV dahil sa paid sex simula noong 2012 ayon sa DOH.

Read more...