PAGASA: LPA sa silangan ng Guiuan, Eastern Samar, isa nang bagyo

Namuo na bilang isang bagyo kaninang alas-2:00 ng madaling araw ang binabantayang low pressure area (LPA) sa Silangan ng Guiuan, Eastern Samar.

Ayon sa PAGASA, pinangalanan ang bagyo na ‘Falcon’, ang ikaanim na bagyong pumasok sa bansa.

Linggo ng hapon ng pumasok ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang nasabing sama ng panahon.

Mamayang alas-5:00 ng umaga ay maglalabas ng severe weather bulletin ang PAGASA kaugnay ng bagyo.

Manatiling nakatutok sa Radyo INQUIRER 990, INQUIRER 990 Television at radyo.inquirer.net kaugnay sa updates hinggil sa Tropical Depression #FalconPH.

Read more...