Presyo ng mga produktong petrolyo tataas simula bukas

Kumpirmado na ang taas-presyo sa mga produktong petrolyo sa linggong ito.

Sa abiso ng Shell kahapon, July 14, madaragdagan ng P1.05 kada litro ang presyo ng kanilang gasolina.

Ang presyo ng diesel at kerosene o gaas ay may dagdag din na P0.70 kada litro.

Epektibo ang taas presyo ng Shell alas-6:00 ng umaga bukas, Martes, July 16.

Inaasahang mag-aanunsyo na rin ngayong araw ng kanilang price adjustments ang ibang kumpanya ng langis.

Read more...