Sa isang radio program, sinabi ng tagapagsalita ni Robredo na si Atty. Larry Gutierrez na walang kinatatakutan ang bise presidente sa imbestigasyon.
Handa aniyang harapin ni Robredo ang impeachment case dahil alam nitong wala siyang ginagawang mali.
Ani Gutierrez, tapat na tinutupad ng bise presidente ang sinumpaan nitong tungkulin sa ilalim ng Konstitusyon.
Matatandaang sinabi ni Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) Commissioner Manuelito Luna na ‘betrayal of public trust’ ang pagsuporta ni Robredo sa UNHRC resolution.
Ayon kay Gutierrez, nais lamang ni Luna na makakuha ng popularidad dahil ang proseso ng impeachment ay nagsisimula sa Kongreso.