Party-list Coalition, mananatili sa pag-suporta sa inendorsong Speaker ni Pangulong Duterte

Tuloy ang pagsuporta ng Party-list Coalition sa pag-endorso ni Pangulong Rodrigo Duterte sa susunod na House Speaker.

Sa isang panayam, sinabi ni 1-Pacman party-list Rep. Michael Romero, presidente ng Party-list Coalition, na susundin pa rin ito ng 54 miyembro ng koalisyon sa kabila ng kumakalat na planong kudeta laban sa pangulo.

Lahat aniya ng signal na nanggagaling sa pangulo ay pinakikinggan ng 99 porsyento ng mga mambabatas.

Matatandaang inendorso ng pangulo si Taguig City Rep. Alan Peter Cayetano bilang susunod na House Speaker sa loob ng 15 buwan at susundan ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco.

Read more...