Lolo, patay sa pamamaril sa Makati City

Tinambangan ang isang lolo sa Makati City, Linggo ng umaga.

Ayon sa Makati City police, patay ang biktimang si Jesus de Guzman, 63-anyos, matapos barilin ng lalaking nakasakay sa motorsiklo sa bahagi ng Osmeña Highway sa Barangay Bangkal bandang 8:25 ng umaga.

Nakasakay ang biktima sa kaniyang Honda CRV kasama ang asawa nang maganap ang pamamaril.

Agad tumakas ang suspek patungong EDSA-Pasay City.

Sa ngayon, hindi pa nakikilala ang suspek na nakasuot ng olive green na jacket at puting helmet.

Nagkasa na ang pulisya ng pursuit operation at patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa krimen.

Read more...