M6.6 na lindol, tumama sa Australia

Tumama ang magnitude 6.6 na lindol sa northwest Australia, araw ng Linggo.

Ayon sa United States Geological Survey (USGS), namataan ang lindol sa 203 kilometers sa Kanlurang bahagi ng West Australian beach resort ng Broome.

May lalim ang lindol na 10 kilometers.

Ayon kay Police Sergeant Neil Gordon mula sa Broome police department, mahigit isang minutong naramdaman ang pagyanig sa lugar.

Wala naman aniyang napaulat na nasugatan at nasirang gusali sa distrito.

Wala ring inilabas na tsunami warning matapos ang pagyanig.

Read more...