Metro Manila at ilang lugar sa Luzon, uulanin ngayong hapon

Makararanas ng heavy to intense rainshower na may kasamang kidlat at malakas na hangin ang Metro Manila, Nueva Ecija, Bataan at Bulacan.

Sa thunderstorm advisory ng PAGASA bandang 2:30 ng hapon, iiral ang sama ng panahon sa susunod na dalawang oras.

Maliban sa mga nabanggit na lugar, uulanin din ang Bamban, Capas at San Jose sa Tarlac; Botoan, Cabangan at Candelaria sa Zambales; Mabalacat at Magalang sa Pampanga.

Parehong sama ng panahon din ang mararanasan sa Silang, Cavite; Santa Rosa, Cabuyao, Santa Maria, San Pablo at Rizal sa Laguna; Mataas na Kahoy, Balete, Malvar at Tanauan sa Batangas; Antipolo, Tanay at Rodriguez sa Rizal.

Apektado rin ang bahagi ng General Nakas, Real, Candelaria, Tiaong, Dolores, Sariaya, Lucena, Tayabas at Tagkawayan sa Quezon.

Dahil dito, nagpaalala ang weather bureau sa mga apektadong residente na maging alerto sa posibleng pagbaha at landslide.

Read more...