2 pulis, patay sa engkwentro sa sa Camarines Sur

Patay ang dalawang pulis sa sumiklab na bakbakan kontra sa mga hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Bato, Camarines Sur Linggo ng umaga.

Ayon kay Police Maj. Maria Luisa Calubaquib, tagapagsalita ng Bicol police, nakilala ang dalawang pulis na sina Police Master Sergeant Sotero Javier at Patrolman Prince Lagdameo na kapwa mula sa 2nd Camarines Sur Provincial Mobile Force.

Nasawi ang dalawang pulis sa isinagawang intelligence operation sa Barangay Payak bandang 5:00 ng madaling-araw.

Nasa 18 miyembro ng rebeldeng grupo ang nakasagupa ng mga pulis.

Tumagal ng 20 minuto ang bakbakan ng NPA at mga pulis sa nasabing lugar.

Read more...