Magnitude 3.5 na lindol, yumanig sa Cagayan

Phivolcs photo

Tumama ang magnitude 3.5 na lindol sa Cagayan, Linggo ng hapon.

Sa datos ng Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa 71 kilometers Northwest ng Calayan bandang 2:13 ng hapon.

May lalim ang lindol na 24 kilometers at tectonic ang origin.

Dahil dito, naramdaman ang Instrumental Intensity 1 sa Pasuquin, Ilocos Norte at Claveria, Cagayan.

Gayunman, sinabi ng Phivolcs na walang napaulat na pinsala sa mga ari-arian sa lugar.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...