1 patay matapos maputol ang kable ng crane sa Maynila

(Updated) Nasawi ang isang lalaki makaraang maputol ang kable ng crane sa isang construction site sa Sampaloc, Maynila araw ng Linggo.

Ayon sa Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), naganap ang aksidente sa isang ginagawang gusali sa bahagi ng Dos Castillas corner Piy Margal Streets bandang 9:00 ng umaga.

Ang biktima ay kabilang sa mga manggagawa sa gusali.

Sa ngayon, nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang Manila Police District (MPD) sa aksidente.

Nagtungo rin ang dalawang opisyal ng Department of Labor and Employment (DOLE) para mag-imbestiga sa lugar.

Read more...