Sugatan sa lindol sa Surigao del Sur, 51 katao na

Umabot na sa 51 katao ang naitalang sugatan matapos ang naramdamang magnitude 5.8 na lindol sa lalawigan ng Surigao del Sur.

Ayon kay Police Chief Lieutenant Wilson Uanite, hepe ng Madrid Police, marami ring nasirang gusali kabilang na ang mga bahay, simbahan at ospital dahil sa lakas ng lindol

Agad naman inilikas ang mga pasyente sa Madrid District Hospital matapos magkaroon ng mga bitak sa pader at mga poste ng ospital.

Malaki rin ang naidulot na pinsala ng lindol sa Matrid at iba pang lugar sa naturang lalawigan.

Naramdaman ang naturang lindol bandang alas 4:42 ng madaling araw noong July 13 kung saan ang sentro nito ay naitala sa northeast coast ng isla ng Mindano.

Read more...