LPA, papasok sa PAR sa Linggo o Lunes

Inaasahang papasok ang binabantayang Low Pressure Area (LPA) sa silangan ng Visayas sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ng Linggo ng gabi o sa Lunes.

Ayon sa inilabas na public weather forecast ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), alas 3:00 ng umaga ay namataan ang LPA sa 1,345 kilometro silangan ng Visayas.

Bagamat wala pa sa PAR, magdadala ang trough o extension ng LPA ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pagkulog at pagkidlat sa buong bansa.

Magaging maulap at maulan ang panahon na may kasamang pagkulog partikular na sa Metro Manila, Bicol, Calabarzon, Bicol at mga lalawigan sa Visayas at Mindanao.

Makakaranas naman ng bahagyang maulap na kalangitan na may panaka-nakang pag-ulan sa hapon ang North and Central Luzon dahil sa localized thunderstorms.

Wala namang naitalang gale warning dahil katamtaman ang alon sa coastal waters ng bansa.

Kung maging ganap na bagyo ang LPA sa darating na Martes ay papangalanan itong ‘Falcon’.

Read more...