PNoy, nakantyawan sa pagkapanalo ni Pia Wurtzbach

 

Mula sa bandera.inquirer.net

Hindi nakaiwas si Pangulong Benigno Aquino III sa kantyaw matapos manalo bilang Miss Universe Pia Alonzo Wurtzbach.

Mismong kay Executice Secretary Paquito Ochoa nagmula ang pangangantyaw sa kasagsagan ng lagdaan ng 2016 National Budget kahapon sa Malacañang.

Sa unang bahagi ng programa, binati ni Ochoa ang mga dumalo sa pamamagitan ng mga katagang “Isang magandang Miss Universe sa inyong lahat.”

Gayunman, sa pagharap naman ni Pangulong Aquino, gumanti naman ito ng pahayag na “Executive Secretary na, kumpare ko pa, na nagmula ang relasyon natin sa aking mga magulang, sinira mo itong araw na ito.”

Minsang napabalitang ‘nililigawan’ noon ni Pangulong Aquino si Wurtzbach.

Gayunman, hindi nagkaroon ng positibong resulta ang ‘panunuyo’ umano ng Pangulo sa 26-anyos na beauty queen.

Samantala, sa hiwalay na panayam, isiniwalat naman ng kapatid ng Pangulo na si Kris Aquino na posibleng sadyang hindi ‘natipuhan’ ni Wurtzbach ang Pangulo.

Read more...