OFW recruitment nais pangasiwaan ng gobyerno

INQUIRER file photo

Hindi na papayagan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga private agencies na kumuha pa ng mga manggagawang Pilipino para magtrabaho sa ibang bansa.

Sa talumpati ng pangulo sa Camp Aguinaldo, nararapat aniya na pagbawalan ang mga naturang ahensya dahil sa napakaraming kaso ng pang-aabuso sa mga Overseas Filipino Workers (OFW).

Dagdag ni Pangulong Duterte, ipapatawag niya ang mga recruitment agencies upang makipagdayalogo at kung hindi makikinig ay sasailalim sa ban.

Kung nais anila na magpatuloy sa pagkuha ng mga manggagawa ay dapat nasa ilalim sila ng pangangasiwa ng gobyerno.

Ipinag-utos na rin ng pangulo ang pagbuo ng Department of Overseas Filipino Workers (DOWF) para sa papamamahala sa recruitment at iba pang isyu ng mga OFW.

Read more...