Nakatakda na namang magtaas sa presyo ng produktong petrolyo ang mga oil companies sa papasok sa linggo.
Sa inilabas na pahayag ilang industry player, aabot sa P1.10-P1.30/litro ng gasolina.
Aabot naman sa P0.70-P0.80/litro ang inaasahang dagdag sa diesel samantalang P0.70-P0.80/litro naman sa kerosene o gaas.
Sa Martes ng umaga inaasahang ipatutupad ang oil price hike.
Ang panibagong dagdag singil sa mga petroleum products ay may kaugnayan pa rin sa pagtaas ng presyo ng petrolyo sa world market.
Samantala, ayon sa pinakabagong datos na inilabas ng Department of Energy, ang presyo ng gasolina ay maglalaro mula P46.10 hanggang P56.49 kada litro, habang ang presyo ng diesel naman ay maglalaro mula P38.84 hanggang P43.60 kada litro.
Dagdag pa ng DOE, ang mga year-to-date adjustments ay nag bunsod ng net increase na P5.51 kada litro ng gasolina, P3.30 kada litro ng diesel at P1.75 kada litro ng kerosene.
Ito na ang ikatlong sunod na linggo na nagpatupad ng dagdag singil ang mga oil companies.