Hindi siniseryoso ng gobyerno ang kaso ng mga namatay sa mga ginagawang anti-drug operation ng mga otoridad, ito ang opinion ng grupong Human Rights Amnesty.
Ayon kay Wilnor Papa, Human Rights Officer ng Amnesty International Philippines, na marami ang namamatay sa gitna ng ginagawang anti-drug operation ng Philippine National Police (PNP), pero wala pa silang ginagawang masusing imbestigasyon dito.
Aniya, base sa kanilang mga pagsasaliksik, ang kaso lang ni Kian Delos Santos ang umusad o nagkaroon ng development.
Gusto rin niya na magpaliwanag ang PNP kung ano sa kanila ang threshold ng mga napatay sa madugong operasyon kontra droga.
Dagdag pa Papa, kahit sabihin na popular ang Presidente, hindi naman ibig sabihin nito na lahat ng kanyang gagawin ay tama.