Duterte hinamon ng CHR na hayaan ang imbestigasyon ng UN sa human rights situation sa bansa

AP

Nanawagan ang Commission on Human Rigts (CHR) sa pamahalaang Duterte na makipagtulungan sa gagawing imbestigasyon ng United Nation Commision on Human Rights Council (UNCHRC) kaugnay sa totoong kalayagan ng karapatang pantao sa bansa.

Ginawang ang pahayag ng CHR matapos magpakita ng negatibong reaksyon ukol dito.

Ayon kay Atty. Jacqueline Ann De Guia, tagapagsalita ng CHR, ang nasabing imbestigasyon ay makatutulong para maging maayos ang pangangalaga sa karapatang pantao sa bansa.

Bilang miyembro ng UNCHR Council, aniya na dapat tangapin ni Pangulong Duterte para magkaroon ng patas na imbestigasyon at marining din ang panig ang pamahalaan, lalo na ng mga otoridad.

Sabi pa niya, ito ang magandang pagkaktaon na para maipakita ng gobyerno na mayroon silang ginagawang hakbang para matulungan ang mga biktima ng paglabang sa karapatang pantao, lalong-lalo na ang mga napatay sa gitna ng madugong kampanya kontra droga.

Kamakailan, naglabas ng isang resulosyon ang UNCHR council para suruin at siyasatin ang kasalukuyan kalagayan ng “human rights” ng Pilipinas, kung saan labing walong miyembrong bansa nito ang bumotong Yes, labing apat ang No at labinglima naman ang nag-abstain.

Read more...