Bahagi ng Subic Freeport Expressway pansamantalang isinara sa trapiko

File photo

Hindi muna madaraan ang ilang bahagi ng kalsada papuntang Subic Freeport Expressway (SFEX) dahil sa gagawing expansion dito.

Kaugnay ito sa paghahanda para sa darating na Southeast Asian Games na gaganapin sa bansa simula November 30 hanggang December 1 ngayong taon.

Ang P1.6 Billion project na magdaragdag ng dalawa pang lane sa 8.8 kilometer na SFEX upang mas mapaluwag ang naturang kalsada.

Ayon kay Elvin Cruz, project Manager ng NLEX, maaaring dumaan ang mga sasakyan na sa mga alternatibong ruta sa Causeway Road , Argonaut-Kalayaan Access Road.

Aniya, inaasahang matatapos ang unang bahagi ng proyekto sa buwan ng Oktubre upang ihanda ang Subic sa 15 na sporting event.

Ang SFEX ay magtutugma sa mga infrastructure program ng Subic Bay Metropilitan Authority.

Read more...