Ibinabala ng pinuno ng Presidential Anti-Corruption Commission Commission na posibleng maharap sa impeachment complaint si Vice President Leni Robredo.
Ito ay kung makikipagsabwatan siya sa gagawing imbestigasyon ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) na imbestigahan ang human rights situation sa bansa.
Sinabi ni Presidential Anti-Corruption Commission Commissioner Manuelito Luna na ilang beses nang ipinakita ni Robredo ang kanyang pamumulitika lalo na sa isyu ng human rights.
Pilit umanong iginuguhit ng mga hakbang ng pangalawang pangulo na malala ang problema sa paglabag sa karapatang pantao sa bansa lalo na sa aspeto ng war on drugs ng pamahalaan.
Sa isang pahayag, sinabi ng opisyal na maituturing ito bilang betrayal of public trust na isa sa mga mabigat na grounds para sa impeachment charge.
Ayon pa kay Luna, “VP Robredo’s expression of support to the UNHRC resolution against the Philippine government may cause her to be impeached. For the nth time, she has made it appear that the government is guilty of human rights abuses, and that’s betrayal of public trust.”
Nauna dito ay sinabi ni Robredo na suportado niya ang gagawing imbestigasyon ng UNHRC sa human rights situation sa bansa.
Binanggit rin ng pangalawang pangulo na isang malaking insult0 sa pamahalaan na ibang bansa pa tulad ng Iceland ang nagpahayag ng pagkabahala sa masamang epekto ng war on drugs ng gobyerno.
Kamakailan ay pinagtay ng 18 members-state ng UNHRC ang draft resolution ng Iceland.