Surigao del Sur at mga kalapit lugar nilindol

Philvocs

Niyanig ng magnitude 5.5 na lindol ang Surigao del Sur madaling araw ng Sabado.

Naitala ang pagyanig alas-4:42 ng umaga.

Ang epicenter ng lindol ay nasa walong kilometro Hilagang- Nanluran ng Cortes, Surigao del Sur.

Tectonic ang origin ng lindol ay may lalim na limang kilometro.

Naitala naman ng US Geological survey sa magnitude 5.8 ang lindol.

Naramdaman ang instrumental intensity 3 sa Gingoog City, Misamis Oriental; Intensity 2 sa Cebu City at Borongan City sa Eastern Samar at instrumental intensity 1 sa Bislig City, Surigao del Sur at Cagayan de Oro City.

Wala namang iniulat na nasugatan o nasira sa nasabing pagyanig.

Read more...