2 drug pusher arestado sa Marikina City

Inquirer file photo

Timbog ang dalawang drug pusher sa ikinasang buy-bust operation ng Marikina City Police alas 10:45 kagabi, July 12.

Nahuli ang mga suspek na sina Wally Vicente, 37 anyos, at Randy Mendoza, 29 anyos na nagbebenta ng iligal na droga sa harap ng isang multi-purpose daycare center sa nasabing lungsod.

Narekober naman sa dalawa ang limang pakete ng hinihinalang shabu na nagkakalahaga ng nasa P50,000, buy-bust money, isang sasakyan, at wallet.

Nasa kustodiya na ng Marikina Police ang mga suspek at mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...