Estudyante arestado sa pagbebenta ng marijuana sa QC

QCPD Station 10 photo

Isang estudyante na suspek sa pagbebenta ng marijuana ang hinuli ng QCPD Kamuning Police Station (PS-10) sa EDSA Barangay Apolonio Samson, Quezon City.

Nakilala ang suspek na si Warren German, 20 anyos at isang estudyante mula sa Bulacan.

Nakumpiska sa suspek ang isang brick ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana na may bigat na tinatayang 1 kilo at nagkakahalaga ng P120,000.

Nakuha rin ang P15,000 buy bust money na ginamit na pambili ng marijuana sa suspek.

Nagkasa ng operasyon ang QCPD Station 10 laban sa suspek at nang magpositibo ay agad inaresto si German.

 

Read more...