NBA: Westbrook na-trade sa Rockets kapalit ni Paul

Na-trade si Oklahoma City Thunder guard Russel Westbrook sa Houston Rockets kapalit ni Chris Paul at ilang first -round draft picks.

Dahil sa trade ay Thunder na ang may first-round picks sa 2024 at 2026 at may opsyon ito na makipagpalitan ng picks sa 2021 at 2025.

Muling makakasama ni Westbrook ang dating Thunder teammate at reigning NBA scoring champion na si James Harden.

Naglaro ang dalawa sa loob ng tatlong seasons mula 2009 hanggang 2012 kung kailan sila umabot sa Finals.

Samantala, balik-Oklahoma si Paul kung saan ito naglaro sa kanyang unang dalawang NBA seasons noong 2005 hanggang 2007.

Si Westbrook, na eight-time All-Star at two-time NBA scoring leader, ay may average na triple-double sa tatlong sunod na season noong 2018 hanggang kasalukuyan sa naitala nitong 22.9 points, 11.1 rebounds at league-high 10.7 assists sa loob ng 73 games.

Habang ang nine-time All-Star at four-time league assists leader na si Paul ay may average 15.6 points, 8.2 assists at 4.6 rebounds sa 58 na laro noong nakaraang season.

 

Read more...