Sa audit report para sa 2018, sinabi ng COA na hindi nakamit ng Nationwide Intensification Household Electrification (NIHE) Program ng DOE, na may budget na P2.350 billion, ang layon nitong mabigyan ng kuryente ang naturang bilang ng mga kabahayan hanggang matapos ang 2018.
Ayon sa COA, 17.14 percent o 77,121 na households lamang mula sa 450,000 na households ang nabigyan ng kuryente.
Nadiskubre rin na ang ahensya ay nagbayad lamang ng 38.80 percent o P498.438 million ng kabuuang bilang ng na-award na mga kontrata sa 78 Distribution Utilities na nagkakahalaga ng P1.285 billion.
Dahil dito ay nasa P757.839 million ang hindi naibigay na pondo sa Distribution Utilities.
“The low output delivery and utilization rates were mainly attributable to lack of public bidding in procuring the services of the most qualified Distribution Utilities (DUs) to implement the project and some noted deficiencies in the project documents and implementation process on the program,” nakasaad sa COA report.