Pero sinabi ng Pangulo na hindi kasama si Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero sa kanyang sinibak kundi ang 64 na tauhan ng admin section.
“Yesterday, tinanggal ko sa trabaho [ang] entire administrative section sa Customs. Tinanggal ko silang lahat. Sixty-four of them,” pahayag ni Duterte sa kanyang talumpati sa harap ng mga Overseas Filipino Workers (OFW) sa Quezon City.
Inulit naman ng Pangulo ang utos nito na magreport sa kanya sa Malakanyang ang mga sinibak nitong Customs employees.
Giit ng Pangulo, talagang galit siya sa kurapsyon at sa BOC ay hindi ito mahinto.
“Galit talaga ako sa corruption. ‘Yang customs na yan sabi nila hindi maputol putol, napuno na ako. Sabi ko hindi na talaga mahinto ang p*@&inang ‘to umalis kayong lahat,” dagdag nito.
Inutusan din ng Presidente ang mga tinanggal na empleyado ng Customs na maglinis ng Pasig River na malapit sa Malakanyang.