Ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA), apektado ang 20 domestic at international flights sa nasabing paliparan.
Inilabas ang red lightning alert bandang 4:49 ng hapon at ibinaba sa yellow alert bandang 5:29 ng hapon.
Sa pag-iral nito, suspendido ang ramp movement sa mga eroplano at ground personnel para makaiwas sa anumang untoward incident bunsod ng kidlat.
Makalipas ang ilang minutor, tuluyan na ring inalis ang lightning alert sa paliparan bandang 5:37 ng hapon.
Humingi naman ng paumanhin ang ahensya sa naranasang aberya ng mga apektadong pasahero.
MOST READ
LATEST STORIES