Pagkamatay ng 2 preso sa QC Police Station 3, iniimbestigahan na

Inquirer file photo

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang Quezon City Police District (QCPD) kaugnay sa pagkamatay ng dalawang preso ng Talipapa Police Station 3.

Base sa impormasyon ng QCPD Criminal Investigation and Detection Unit, nadiskubreng wala nang malay ang presong si Romero Borja bandang 1:45, madaling araw ng Miyerkules (June 10).

Agad itong isinugod sa Quezon City General Hopital (QCGH) ngunit idineklara ring patay bandang 2:02 ng madaling araw.

Nakakulong si Borja sa Police Station 3 noon pang October 16, 2018 dahil sa kasong pagnanakaw.

Samantala, sa kaparehong araw, nasawi naman si Norvic Villanueva, 36-anyos, bandang 4:30 ng hapon.

Napag-alamang nahihirapang huminga si Villanueva at dinala ito sa QCGH.

Subalit, kalaunan binawian rin ng buhay bandang 6:30 ng gabi.

Si Villabueva ay nakulong dahil sa kasong paglabag sa ipinagbabawal na droga.

Ayon sa QCPD Criminal Investigation and Detection Unit, hinihintay pa nila ang resulta ng autopsy sa mga bankay para

malaman ang sanhi sa pagkasawi ng dalawang preso.

Read more...