Foreign workers, kailangan nang kumuha ng TIN

Nadagdagan at nagkaroon na ng linaw ang mga polisiya at regulasyon para sa pagtatrabaho sa bansa ng mga banyaga.

Ayon kay Senator Joel Villanueva, kabilang na nilalaman ng memorandum circular na inilabas ng inter-agency task force ay ang pagkuha ng mga foreign workers ng tax identification number o TIN.

Magkakaroon na rin aniya ng inter-agency database ng mga foreign workers para sa monitoring sa kanila.

Para naman kay Villanueva, kailangan pa ring busisiin nang husto ang operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators o POGOs na dapat ay una nang ginawa ng Pagcor.

Pinuna nito ang tila kakulangan ng regulasyon sa bagong industriya ng sugal kayat bukas ito sa mga ilegal na aktibidad, tulad ng money laundering.

Aniya, dapat ay maging mapagmatyag din ang Anti-Money Laundering Council.

Inanunsiyo na ni Villanueva na sa 18th Congress ay plano niyang maghain ng resolusyon para masuri ng mabuti ang regulasyon sa POGOs.

Read more...