Sunog sumiklab sa isang night club sa Makati

Tinupok ng apoy ang isang night club sa Makati City, Biyernes (July 12) ng tanghali.

Nagsimula ang sunog alas 12:51 ng hapon sa K11 Club sa Bagtikan kanto ng Kamagong Streets.

Agad namang rumesponde ang mga tauhan ng Makati Bureau of Fire Protection (BFP) kaya hindi na lumaki pa ang apoy.

Ala 1:53 ng hapon nang ideklarang fire out na ang sunog.

Read more...