14th month pay dapat pag-aralan muna ng husto ayon sa DOLE

Maaring hindi lahat ng negosyo ay makapagbibigay ng 14th month pay sa kanilang mga manggagawa.

Ito ang sinabi ni Labor Sec. Silvestre Bello III kaya’t aniya kailangan munang pag-aralan mabuti ang Senate Bill No. 10 ni Senate President Vicente Sotto III, ang ‘An Act Requiring Employers in the Private Sector to Pay 14th Month Pay.’

Ayon pa kay Bello, dapat ikunsidera ang kakayahan ng mga negosyante na makapagbigay ng karagdagang isang buwan na sahod.

Dagdag pa ng kalihim maganda ang layon ng panukalang-batas ngunit maraming negosyo ang hirap na nga sa pagbibigay ng 13th month pay tuwing Disyembre.

Aniya ang dapat na iwasan ay ang pagbabawas ng bilang ng mga manggagawa para lang maibigay ang bagong ‘month pay bonus.’

Bukod dito maaring magdulot ito ng pagtaas ng presyo ng produkto o serbisyo para kayanin ng negosyo ang dagdag na benepisyo sa mga trabahador sa pribadong sektor.

Read more...