Tumanggi namang maghain ng plea para sa kasong graft at malversation si Andaya dahilan upang ang korte na ang magpasok ng not guilty plea para sa kanya.
Sa ilalim ng Rules on Criminal Procedure ang kapag hindi nagpasok ng plea ang akusado ang korte na ang magpapasok ng not guilty plea para sa kanya.
Ang kaso ay may kaugnayan sa Malampaya fund na nagkakahalaga ng P900M.
Sa information na inihain ng Ombudsman sinasabing iligal na inilaan ni Andaya ang pondo para sa mga nabiktima ng bagyong Paeng at Ondoy noong 2009 kung saan siya ang nakaupong budget secretary.
Co-accused ni Andaya si Janet Lim Napoles na present din sa arraignment.
Sinasabing napunta ang pondo sa bogus NGO ni Napoles.