Bahagyang bumaba ang budget para sa ika-apat na SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong taon.
Sa pulong balitaan sa Kamara sinabi ni Sec. Gen. Dante Roberto Maling, aabot sa P4.7 million ang budget para sa SONA sa July 22, mas mababa ito kumpara sa P4.9 million noong 2018 SONA.
Kasama sa budget na ito ang lahat ng gastusin para sa operasyon, supplies at materials na gagamitin, activities na gagawin at pati na pagkain.
Sa pagkain, ilan sa mga pinagpipilian ay European, Filipino, at Caribbean food.
Posibleng si Mr. Arman Ferrer ang aawit ng Pambansang Awit sa mismong SONA.
Pagdating naman sa kasuotan, tulad ng nakagawian ay simple lamang ang isusuot ng mga dadalong bisita tulad ng business attire, Filipiniana at Barong.
Inaasahan na nasa 1,500 ang capacity o mga bisita na kayang ma-accommodate sa loob ng plenaryo.