Ayon kay House Sergeant at Arms Major General Romeo Prestoza, base sa pakikipag-ugnayan nila sa intelligence units ng Armed Forces kabilang ang NICA o National Intelligence Coordinating Agency (NICA), walang actual threat sa SONA.
Pero pagtitiyak ni Prestoza, nakahanda sila sa anumang pwedeng mangyari.
Sumasailalim anya sa extensive training at seminar ang kanilang mga tauhan kung saan kasama sa ginagawa ang pagtugon sa emergency.
Aabot sa 1,500 bisita ang ia-accommodate sa loob ng session hall sa SONA ng Pangulo.
Ayon kay House Secretary General Roberto Maling, kabilang sa mga ito ang mga miyembro ng gabinete, mga dating presidente at opisyal ng gobyerno, mga miyembro ng diplomatic corps, at local government officials.
Mga opisyal ng Task Force SONA kabilang na ang mga taga PSG nagsagawa ng walk-thru sa Kamara @dzIQ990 pic.twitter.com/mqllGSGmRu
— Erwin Aguilon (@erwinaguilonINQ) July 11, 2019