Insurance sa pananim ng mga magsasaka nais palakasin ni Sen. Cynthia Villar

INQUIRER FILE PHOTO/ WILLIE LOMIBAO
Gusto ni Senator Cynthia Villar na agad makabangon ang mga magsasaka na sumasadsad ang kabuhayan dahil sa mga kalamidad.

Inihain ni Villar ang Senate Bill 140 o ang Free Index-Based Agriculture Insurance Act para magkaroon ng matatakbuhan ang mga magsasaka sa tuwing nasasalanta ang kanilang mga produkto.

Aniya kung magiging mabilis ang pagbangon ng mga magsasaka hindi na maapektuhan ang suplay ng mga produktong-agrikultura.

Binanggit ng chairperson ng Senate Committee on Agriculture, noong nakaraang taon, nagbayad ang Philippine Crop Insurance Corp., ng higit P3.3 bilyon sa mga pinsalang idinulot ng mga kalamidad sa mga pananim at ari-arian ng mga magsasaka at mangingisda.

Sinabi ni Villar sa kanyang panukala, gusto nito na magkaroon ng P6 bilyon na Risk Management Fund na maaring magamit hanggang sa 2.8 milyong ektarya ng masasalantang taniman.

Read more...