Ayon sa Bureau of Customs (BOC), nakumpiska ang mga kontrabando sa apat na magkakahiwalay na shipments noong nakaraang buwan.
Ito ay matapos madiskubre ang mga discrepancy sa bigat at deklaradong halaga ng mga shipments.
Base sa x-ray at physical inspections, dalawa sa mga shipments ang idineklarang read beans pero nalaman na naglalaman ng 5,300 sako ng refined sugar na nagkakahalaga ng P9.6 million.
Isa pang shipment ang idineklara bilang 1,058 na package ng t-shirts pero nabatid na 200 na sako ng bigas.
Ang iba pang kontrabando ay 1,300 package ng ibang uri ng food products, 30 package ng gamot at 425 package ng ibang non-perishable items.
Ayon sa BOC, ang mga ito ay nagkakahalaga ng P4.1 million.
Idineklara naman ang 3,300 na kahon ng mga mansanas pero naglalaman ang mga ito ng pulang sibuyas na nagkakahalaga ng P1.8 million.