Pag-aaralan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang posibilidad na payagan ang mga kinatawan ng United Nations (UN) na pumasok sa Pilipinas para imbestigahan ang sitwasyon ng human rights at patayan sa bansa sa gitna ng war on drugs.
Sa panayam ng media sa Malakanyang, sinabi ng Pangulo na hahayaan niyang maghayag ang UN investigators ng kanilang layon sa pagpunta sa bansa saka niya ito pag-aralan.
Pahayag ito ni Duterte bago paburan ng UN Human Rights Council (UNHRC) ang resolusyon ng Iceland na imbestigahan ang umanoy human rights violations sa gitna ng kampanya laban sa droga.
Sinabi pa ng Pangulo na dagdag intriga lamang ang imbestigasyon ng UNHRC.
Nasa 18 bansa ang bumoto pabor sa resolusyon na imbestigahan ang sitwasyon ng karapatang pantao sa bansa.