Sunog, sumiklab sa Makati

 

(UPDATE:) Isang residential area ang nasusunog ngayon sa may bahagi ng Enrique St. sa Brgy. Palanan, Makati City.

Ayon kay Fire Officer 3 Fatima Felix ng Bureau of Fire and Protection – National Capital Region, nagsimula ang sunog kaninang 9:26 ng gabi, Martes.

Agad na rumesponde ang mga bumbero mula sa BFP, at umabot pa sa ikatlong alarma ang sunog, pero naideklara rin itong fire-out dakong alas-10:30 ng gabi.

Wala namang iniulat na nasaktan o nasugatan sanaturang insidente.

Nagsasagawa na rin ng imbestigasyon ang mga otoridad upang matukoy ang pinagmulan ng sunog at ang halaga ng pinsalang idinulot nito.

Read more...