Ikatlong DQ case kontra Duterte inihain sa Comelec

duterte (1)
Inquirer file photo

Isinampa na sa Commission on Elections (Comelec) ang ikatlong petisyon para harangin ang presidential bid ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte.

Sa kanyang petisyon, sinabi ni JP Delas Nievas, Chairman ng University of the Philippines Students’ Council na hindi dapat maging pangulo ng bansa si Duterte dahil sa paglabag sa human rights.

Ayon kay Delas Nievas, bilang scholar ng bayan ay malaki ang kanyang pagpapahalaga sa karapatang-pantao bagay na pwedeng masakripisyo sa sandaling malukol sa pwesto si Duterte na umano’y kilalang human rights’violator.

Laman ang kanyang petisyon ang umano’y pagkakamali sa isinumiteng Certificate of Candidacy ni Martin Diño kung saan ay nakalagay na siya’y kandidato sa pagka-Mayor ng Pasay City at hindi bilang Pangulo ng bansa.

Binanggit din ni Delas Nievas na nagkaroon ng misrepresentation dahil hindi valid ang pagiging substitute candidate ni Duterte kay Diño.

Bukod sa disqualification, gusto rin ni Delas Nievas na tuluyan nang alisin si Duterte sa listahan ng mga presidential candidates at huwag na ring isama ang kanyang pangalan sa mga balotang gagamitin sa 2016 elections.

Read more...