Kinatawan ng Ang Probinsyano party-list nag-sorry sa pagsapak sa waiter

Humingi ng paumanhin si Ang Probinsyano party-list Representative Alfred Delos Santos sa pagsapak nito sa isang waiter sa isang restaurant sa Legazpi City noong July 7.

Nag-sorry si Delos Santos kay Christian Kent Alejo at sa pamilya nito dahil sa kanyang nagawa.

“I would like to apologize to Christian Kent Alejo and his family for my action, and to our people for failing in their expectation of a public servant,” pahayag ng mambabatas.

Ang paghingi ng sorry ng kongresista ay matapos kumalat ang video footage kung saan mapapanood ang pagsuntok nito sa waiter.

Pinagsisihan ni Delos Santos ang kanyang nagawa at nangako ito na hindi na ito mauulit.

Tiniyak din nito na gagawin niya ang lahat para magawa ang plataporma ng kanyang grupo at ang mga ipinangako niya noong kampanya.

“I have no excuse, only regret and the promise that it will not happen again. This single incident does not represent me or my values, and I will prove it by working hard to deliver our party platform and campaign promises to fellow probinsyanos, and from hereon conduct myself as an exemplary public servant worthy of the trust and confidence our people placed on us last election,” dagdag ni Delos Santos.

Aminado ang kongresista na hindi niya nakontrol ang kanyang emosyon.

Pero depensa nito, hindi siya bully o naghahanap ng basag-ulo.

“I am not a bully or a troublemaker…The people who know me well can attest to that,” his statement said. “I am sorry not only to Mr. Christian Kent Alejo and his family but also to the people who voted for Ang Probinsyano. Sorry for disappointing you.”

Tatanggapin umano ng mambabatas ang anumang desisyon ng Kamara at ng Ang Probinsyano party-list kaugnay ng kanyang nominasyon.

Read more...