Malacanang aminado na may mga kaalyadong grupo sa bansa ang ISIS

malacanang-fb-0723
Inquirer file photo

Muling kinumpirma ng Malacanang ang sabwatan ng mga kilalang miyembro ng Islamic State of Iraq and Syria o ISIS sa mga local terror group sa Pilipinas.

Katunayan sinabi ni National Security Adviser Cesar Garcia kay Presidential spokesman Edwin Lacierda na iilan lamang ang mga nasabing ISIS personalities kaya madali itong nakakapasok  sa kampo ng mga lokal na jihadist o mga terorista sa bansa.

Pero pinabulaanan ni Garcia na may sariling training camp ang ISIS sa Pilipinas tulad ng pinalalabas sa isang kumakalat na video sa mga social networking sites.

Aminado naman ang opisyal na may sariling contacts at kasabwat na local terrorist groups ang ISIS at posibleng tumutulong sila sa mga ito sa training ng mga bagong recruits na miyembro.

Nauna dito ay inutusan ni Pangulong Noynoy Aquino ang Intelligence community na mas lalo pang pag-igtingin ang kanilang pangangalap ng mga impormasyon para hindi maka-posisyon sa bansa ang ISIS.

Ang ISIS ang itinuturong nasa likod ng ilang mga terror acts sa ibat-ibang bahagi ng mundo dahilan kaya maraming bansa ang nagtutulong-tulong ngayon para durugin ang grupo.

Read more...