Ito ang sinabi ni Sen. Aquilino Pimentel III, na nagsisilbi din pangulo ng administration party.
Inamin ni Pimentel na ang unang panukala nila sa term sharing ay si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco ang unang uupo bilang pinuno ng Kamara.
Dahil nagsalita na si Pangulong Duterte, na siyang chairman ng partido, susunod na rin sila at susuportahan ng grupo si Cayetano.
Ayon kay Pimentel ayaw naman nilang madehado ang kanilang mga miyembro sa Kamara kaya’t magkakaroon ng negosasyon sa kampo ni Cayetano.
Aniya kabilang sa pag-uusapan ay ang pamumuno sa mga komite sa Kamara para sa kanilang mga miyembro maging ang transition kapag papalitan na ni Velasco si Cayetano makalipas ang 15 buwan.
May 85 PDP-Laban members sa Mababang Kapulungan.