Nababahala ang Malacanang sa pagkumpirma ng Philippine National Police (PNP) na Pinoy ang isa sa mga suicide bomber na namatay sa Sulu kamakailan.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, wala sa karakter o kaugalian ng mga Filipino ang magpakamatay para lamang sa terorismo.
Sa ngayon, sinabi ni Panelo na inatasan na ng pangulo ang mga otoridad na paigtingin pa ang teknolohiya at pamamaraan para sa surveillance at intelligence work.
Panawagan ng palasyo sa publiko, mag ingat at agad na ipagbigay alam sa otoridad kapag may napansing mga kahina hinalang bagay o tao lalo na aniya kapag kahina- hinala ang galaw at maaring magdulot ng panganib.
Nasa pangulo na rin aniya ang pagpapasya kung magiging absehan ang suicide bombing sa Sulu para palawiging muli ang umiiral na martisl law sa Mindanao region na una nang idineklara noong may 2017.
Matatandaang pito katao ang nasawi sa suicide bombing sa 1st Brigade Combat Team Camp ng Philippine Army sa Indanan, Sulu noong June 28.
“It’s a cause for concern, given that this is the first time that there is a Filipino suicide bomber. It goes against the grain of the character of Filipinos. Yung mag suicide ka para sa terrorism”, ayon pa sa kalihim