House speaker posibleng makudeta sa SONA ayon kay Paolo Duterte

File photo

Ibinabala ni presidential son at Davao City Rep. Paolo Duterte ang pagkakaroon ng kudeta sa mauupong house speaker sa araw mismo ng State of the Nation Address ng pangulo sa July 22.

Sa isang text message, sinabi ni Davao City Rep. Paolo Duterte na may bali-balitang isa sa tatlong aspirante sa pagka-speaker ang balak mag-kudeta sa mismong araw ng paghalal ng susunod na lider ng Kamara.

Sagot ito ni Duterte sa tanong kung totoong interesado siya sa chairmanship ng committee on legislative franchises.

Ayon sa kongresista, hindi pa dapat pinag-uusapan ang mga komite dahil may eleksyon pa sa July 22 at dito siya mas interesado kung sino ang mananalo.

Ginawa ng nakababatang Duterte ang pahiwatig matapos i-anunsyo ni Pangulong Duterte na si Taguig Rep. Alan Peter Cayetano ang susunod na house speaker at ka-term sharing nito si Marindique Rep. Lord Allan Velasco habang si Leyte Rep. Martin Romualdez ang magiging majority leader.

Tinanggap na ni Romualdez ang posisyon habang wala pang inilalabas na pahayag si Velasco.

Read more...