Mahigit sa limampung tauhan ng Bureau of Customs ang sisibakin ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Bahagi ito ng kampanya ng pamahalaan laban sa katiwalian.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, base sa kanyang pagkakatanda, animnapu hanggang pitumpu’t dalawang tauhan ng BOC ang matatanggal sa serbisyo.
Sinabi ni Panelo na may nagsumbong kay Customs Commissioner Leonardo Guerrero na marami pa ring anumalya sa naturang tanggapan.
Dahil dito, nagsagawa aniya ng imbestigasyon si Guerrero dahilan para magpasya ang pangulo na sibakin ang mahigit limampung tauhan ng BOC.
Idinagdag pa ng opisyal na ipitawag ng pangulo sa Malacanang ang ilang BOC officials at doon ay kanyang muling inulit ang kampanya laban sa katiwalian.
Magugunitang ibinulgar ni dating Customs spokesperson Atty. Erastus Sandino Austria na ang anggulong entrapment operation na iginigiit ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kaugnay sa P1 Billion halaga ng tapioca bilang shabu na nakumpiska sa isang warehouse ay Malabon City ay “fabricated” o gawa-gawa lamang.
Inihayag Atty. Austria na dati ring district collector sa Manila International Container Port (MICP) na walang katotohanan ang claim ng PDEA na “controlled delivery” ang ginawa ng ahensya para para lumutang ang mga sindikato ng droga kapag sumali sa public bidding.
Batay sa report, aabot sa 146 kilos ng shabu ang narekober sa Goldwin Commercial Warehouse sa Malabon noong Mayo na sang-ayon kay PDEA director general Aaron Aquino ay galing sa Golden Triangle syndicate.