Paolo Avelino at Janine Gutierrez magtatambal sa pelikula

Magsasama sa isang pelikula ang Kapamilya actor na si Paolo Avelino at Kapuso actress na si Janine Gutierrez.

Ibinahagi ng T-Rex Entertainment ang proyekto na pagtatambalan ng dalawa na may working title na “If We Don’t Make It”.

More than friends but less than lovers ang ganap nina Paolo at Janine sa pelikula.

Sa press conference magkasama ding dumalo sina Janine at Paolo.

Ang script ng pelikula ay isinulat ni Jen Chuaunsu at si Prime Cruz naman ang direktor.

Read more...