Tinawag ni Revilla na “Eddie Garcia Bill” ang kanyang panukala bilang pag-alala sa namayapang aktor na naaksidente sa shooting ng isang teleserye.
Pangmulat ng mga mata, ayon kay Revilla, ang nangyari sa beteranong aktor kaya’t nais niyang magkaroon ng batas para matiyak ang kaligtasan at maayos na kondisyon ng mga nagta-trabaho sa mundo ng showbiz.
Palalakasin ng panukala ng senador ang pagpapatupad ng Republic Act 11058 at Labor Advisory No. 4-2016 na partikular na inilabas ng DOLE para sa mga nagta-trabaho sa pelikula at telebisyon.
Malinaw sa panukala ni Revilla ang oras ng trabaho, transportasyon, accommodation at mga social welfare benefits tulad ng Philhealth, SSS, Pag-Ibig at iba ng mga manggagawa sa showbiz.
Nakasaad din ang mga responsibilidad ng mga producer sa kanilang mga trabahador at kailangan aniya palaging may safety officer sa lahat ng showbiz events, partikular na sa shooting.